Linggo, Hulyo 23, 2017

MGA KULTURA NG PILIPNO
PIYESTA-Ang pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukulay na parada, mga katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan. Ang panahon ng kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-inaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo ng mga turista taun-taon.
SINAKULO-Ang Senakulo ay isang dula patungkol sa Buhay, Pagpapasakit,Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo Isa ito sa mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong Cristiano, partikular na sa mga Katoliko.
HARANA-Ang harana ay ang awit o tugtugin na isinasagawa isang gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa may ibaba ng bintana ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Iniaalay niya ang tugtugin at awit para sa kaniyang sinisinta, nang sa gayon mapagwagian niya ang puso ng sinusuyo at iniibig. Karaniwan itong nagaganap sa mga lalawigan. Madalas ding sinasaliwan ng tugtugin mula sa isang gitara ang kumakantang tinig ng lalaking mangingibig.
SIMBANG GABI-Simbáng Gabi is a devotional nine-day series of Masses practiced by Roman Catholics and Aglipayans in the Philippines in anticipation of Christmas and to honor the Blessed Virgin Mary. This is similar to the nine-day series of dawn masses leading to Christmas Evepracticed in Puerto Rico called Misa de Aguinaldo.
MAMANHIKAN-Ay isinasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundongmagpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa magulang nito habang kaharap ang sarili niyang magulang. Sa ilang lugar ay isinasama pa ng lalaki ang Punong Barangay o iba pang maimpluwensiyang kamag-anak o kaibigan upang lumahok sa pamamanhikan. Kadalasang may malaking salu-salo sa hapag ang magaganap na pamamanhikan. Dito ay pinag-uusapan ang petsa at pook-kasalan ng mag-sing irog, maging ang ilan pang detalye, katulad ng magiging ninong at ninang, ang paring magkakasal, mga abay, lugar ng kainan, at maging ang listahan ng mga bisita.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento